Monday, August 23, 2010

MISSteryoso


“Siya ang kailangan ko upang maging masaya. Siya ang kailangan ko para maramdaman ko ang pag-ibig na matagal ko nang pinapangarap…”
Lumipas na naman ang isang araw at heto pa rin ako, mag-isa at naghihintay na baka sakaling dumating na rin sa wakas ang magmamahal sa akin. Tinatanong nila ako kung bakit daw patuloy akong nagpapakatanga sa nararamdaman ko. Sabi nila, sinasayang ko lang daw ang panahon at pag-ibig na dapat sa iba ko na lang ibaling at ibigay. Pero sadyang mahirap turuan ang puso. Kung pwede lang sana, matagal ko na siyang binura sa buhay ko.
Sa dinami-rami ng pwedeng kong pagpilian, bakit nga ba siya pa na kailanman ay isang magandang panaginip lamang na hindi magkakatotoo? Ano kaya ang kailangan kong gawin para lang mapansin niya na ako at maramdaman niyang mahal ko siya?
Tumingin ako salamin at unti-unti kong pinupuna ang aking sarili. Sinisiyasat ang bawat kilos ko, ang bawat bahagi ng aking katawan at maging ang pagkatao ko upang malaman ko kung ano ba ang kulang sa akin at tila hindi niya ako mapansin.
Bumungad sa aking paningin ang napakagandang babae habang minamasdan ko ang sarili sa salamin. Makinis ang balat, maaliwas ang mukha at maayos ang buhok. Mapula ang kanyang labi, bilog ang kanyang mata at matangos ang kanyang ilong. Wala akong masabi sa kanyang kagandahan dahil para sa akin, isa siyang perpektong tao. Siguro naman sa gandang ito wala ka nang hahanapin pang iba.
Sana siya na lang. Sana akin na lang siya para maging masaya ako at makuha ko na ang matagal ko nang ginugusto. Hindi ko siya pababayaan. Magiging mabuti ako sa kanya. Gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa akin. Hindi ko siya sasayangin.
Subalit… nang muli akong tumingin sa salamin, luha at kalungkutan ang naging kapalit nito sa aking mukha. Nakita ko ang aking  sariling napanghihinaan ng loob. Sa aking mga mata ay nandoon ang isang nagmamakaawang damdamin na sana ako na lang…
Dito ko napagtanto na hindi lahat ng bagay na ating gusto, malaki man o maliit, ay ganoon kadaling mapapasakamay natin. Kung minsan kailangan nating tanggapin na hindi lahat ay pwede. Gaano man ito kasakit, ang pagtanggap ang pinakaminam na paraan upang hindi mo maramdaman ang sakit.
Kaya ngayon, hindi na ako masyadong umaasa na mamahalin ako ng taong gusto ko. Siguro kailangan kong hintayin ang tamang pagkakataon at hindi madaliin ang panahon because even if life can’t wait, love can.
Sadya mang malupit ang tadhana kong ito, kailangan kong magparaya at tanggapin ang katotohanan. Kung sana ako na lang ang babaeng nasa salamin… kung sana ako na lang siya… kung babae lang sana ako.

Sunday, August 22, 2010

My Life is BRILLIANT (Ang Love Story ni Gie PART1)


My friends would always ask me if I am okay. They ask it all over again to reassure that I’m really feeling Brilliant. And I always answer them with humbly saying YES- my life is Brilliant.
I understand why doubt has been a normal reaction of most of my friends. I know that he is not that brilliant when it comes to his physical gesture because comparing him to a type of guy who is good looking at an instant, he would be least on the list. For even if how brilliant was his name, a woman would not crave and want to have him.
I could not deny that he is not the perfect match for me. He lacks the nerve to mingle with other people because he is afraid to commit mistake for he knows he can never meet one’s standard. This is the very opposite of my usual thing, yet I deeply understand.
Am I blind? No, I am certainly not. Was I influenced by alcohol? Not really. Then they ask me with a big question WHY him if there are many else I can choose from.
I don’t really know the foremost reason why I felt this different feeling for him.  It was like a shooting star that dropped by in the midnight sky where love just finally came in. I made no decision to like him but because I found with him a place to somehow shelter myself with love, I choose it. There I found the true brilliance inside him that only me has able to see.
We are now one year and counting. There have been a lot of circumstances that tried to separate our destiny, but I stay in faith that love will keep us together.
Finally, they say that he just got lucky for having me. But honestly, I am the lucky one to have my life be Brilliant.

Monday, August 16, 2010

MISTERyoso

Nakikita mo ba ang mister na iyon? Kilala mo ba siya parang ngayon ko lang siya nakita? Sino kaya siya? Anong mayroon sa kanya at parang…?

Tila isang anghel ang ginoong nakikita ko ngayon. Ang kanyang porma ay kasingtulad ng mga artista kung magdala. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil parang pag-ibig ang sinasabi ng mabilis na tibok ng aking puso. Habang patuloy ang kunwari kong pagsulyap sa kanya, ang ngiti ko ay hindi ko maitago lalo na nang palapit ng palapit siya sa akin. Ano ba ‘to? Saan galing ang taong ito at bakit ganito na lang ang nararadaman ko? Ang halimuyak ng kanyang pabango ay hindi maalis sa aking pang-amoy. Napapasunod ako at hindi ako makatakas sa gayumang mayroon siya.  Sa isip ko ay hindi ko mapunit ang larawan ng kanyang maaliwalas na mukha. Naku! Gusto ko na yata siya. Ngunit paano ko sasabihin?

Teka bakit lumapit ako sa kanya? Parang may malakas na hangin na tumutulak sa akin.  Habang humahakbang palapit ang aking mga paa ay nanginginig sa kaba at takot ang sarili ko. Anong kalokohan ang pumasok sa isip ko at naglakas-loob akong kausapin siya? Tama ba itong ginagawa ko? Parang hindi. Pero… go kaya ko ito! Nandito na ako eh.

Kinausap ko siya, mata sa mata, at sinabi kong gusto ko siya sabay ngiti sa kanya . Subalit sa kabila ng aking pagtatapat, wala akong narinig ni isang salita mula sa malarosas niyang bibig. Hindi ba niya ako narinig? O baka nagulat siya at napatulala dahil sa biglaan kong sinabi? I feel awkward tuloy kasi ako pang babae ang unang nagtapat.

Hinihintay ko ang kanyang sagot pero wala pa rin siyang imik. Gusto ko sanang marinig ang kanyang pinakaasam na tinig kahit na masakit ang kanyang sasabihin. Subalit bakit kaya ganoon ? Wala ba siyang pakiramdam at mistulang manhid ang taong ito? Maganda naman ako pero bakit hindi niya ako magustuhan?

Ang sakit pala ng pakiramdam na magtapat ka sa taong gusto mo na wala palang gusto sa ‘yo. Ganoon pala ang feeling ng ma-busted. Wala na akong nagawa kundi ang lumayo at itago ang pagpatak ng luha ko.

Makaraan ang ilang araw, nakita ko muli ang misteryosong lalaking ito na binigo ang umaasa kong puso. Muli, naalala ko ang pait ng kanyang pagtanggi.

Pero teka… bakit siya lumalapit at kasama pa ang isa pang misteryosong lalaki. Siguro hihingi siya ng patawad at sisimulan na niya ang pangliligaw sa akin noh? O baka naman, hinanapan niya ako ng ibang lalaki at ‘yun ay ang kasama niya. Naku, ang sweet naman, kinikilig ako.  Hindi ko palalampasin ‘to. Kapag tinanong nila ako, sinuman sa kanilang dalawa ang mauuna, malaking OO agad ang magiging sagot ko.

Subalit, sa hindi ko inaasahan muli akong pinaasa sa wala.  Hindi ko akalaing matitikman ko ulit ang pait na minsan ko nang naramdaman. At hindi ko inaasahang mas lalong malala ito sa una. Akalain mo bang ang mga misteryosong lalaking ito ang siya palang nagmamahalang dalawa? Pareho nila akong niloko. Nakapanghihinayang ng loob. Ibang klase ang mga MISTERyosong lalaking ito.



Wednesday, August 11, 2010

nakakahi-LAW...nakaka-LAW-ka'ng LAW


Tog! Tog! Tog!

Alas singko na. Nabasa mo na ba ang susunod na artikulo? Naintindihan mo naman ba? Maghanda ka na dahil ikaw na ang susunod na tatayo at tatanungin ni Atty. Barba.

Sa room. Habang inaabangan namin ang kanyang engrandeng pagdating, ang unang iniisip naming lahat ay kung anong kulay ng damit ang kanyang suot. Blue kaya? Yellow? Black? Red? Pink? Malamang ay fuchsia. Sino kaya ang mananalo sa aming mga hula? Pero kahit ano mang kulay ang gamitin niya, tiyak naman na babagay pa rin ito sa kanya dahil para siyang Karen Davilla “slash” Kris Aquino'ng napakaputi at napakaganda talaga. Oo, daig pa niya ang isang diwata na lahat kami napapatingin at napapaWOW sa inggit.

Pero heto na, matakot ka na dahil uumpisahan na niya ang klase. Itigil mo muna ang iyong pagkamangha at magdasal ka nang hindi ikaw ang maswerte niyang mabunot. Habang siya ay nagsasalita, makikinig ka dahil kung hindi maliligaw ka at maLAW-LAWka ka. Sabagay makikinig ka talaga naman sa kanya. Bakit? Dahil ang gaan ng kanyang boses kapag ito ay pumapasok sa iyong mga tenga kung baga para kang nakikinig lang sa radyo. Ngunit siguraduhin mong hindi ito lalabas sa iyong tenga kundi malaking problema ‘yan. Huwag ka ring matutulog dahil lahat ng ginagawa mo ay nakikita niya lalo na kapag ikaw ay nasa harap. Nako! dapat wala ka palang star sa mata dahil mahilig siyang makipag-eye contact.

O bakit hindi ka mapakali? Kinakabahan ka na bang matawag ang iyong pangalan? Nanginginig ka pa yata baka ma-stroke ka niyan? Huminga ka na ng malalim dahil wala daw recitation ngayon. Oo, diba bongga? Ang lakas mo kay Bro. Pero sa susunod, maghanda-handa ka na dahil hindi ka na makakalusot.

Matagal ang takbo ng oras pero mabilis ang paglipat ng mga pahina. Dumidilim na ang paligid at kumakalam na ang aming sikmura pero si Atty. walang tigil pa rin. Puno na ang aming utak as in NO SPACE FOR MORE INFO. Buti na lang, maraming patalastas si Atty. tungkol kay Kris, nabubusog tuloy kami ng CHIZmis. At madalas bida rin si Mr. Garvida, nakakaawang bata. (HAHAHA)

Hay… 7:00 p.m. na! Uwian na. YES! Nakakasunod ka ba dahil next chapter na sa susunod. Ang bilis noh? Pero kung ikaw lang ang bumabasa ang tagal mong ma-gets kung baga one hour per article. Ang galing ni Atty. Barba.

Sige bye na.. see you in class ulit! Ano? Mag-aabsent ka? Sigurado ka? Sige okay lang kung gusto mo ng 5.0 na grade at  magrecite sa buong klase. Tignan nga natin kung hindi ka mahiLAW at maLAWka.

Thursday, August 5, 2010

Easy Essay Lang

Nakakatuwang isipin na marami pa rin ang mahilig maglagay ng essay part sa isang exam. Si estudyante naman, nagkukunyari pang ayaw, pero masaya naman pala dahil nga sa ito ay kanyang ini-easy essay lang.

Sa totoo… mahirap talagang sagutin ang mga essay questions lalo na kung hindi mo alam kung ano ang isusulat mo. Nakakalito kung ano ang pinakamagandang simulang babanggitin, ano ang ilalagay na panggitna at paano ito tatapusin. Madalas maubusan ng mga salita dahil sa parang “roller coaster” na paulit-ulit lang ang sinasabi. Minsan, nakakabuo na nang sariling bokabularyong kakaiba ang spelling at meaning. Buti nga hindi maiisip ng mga estudyanteng gamitin ang mga “gay lingo” at “jejemon” words na kanilang nalalaman. (Bonggacious yun atwe kung nagkataon. Maieethraay ngaah. Jajaja.)

Pero ang tanong, bakit kaya may mga nakakalusot at nakakakuha pa rin ng mataas na puntos? Ano ‘yun bonus? Hmmmm...

Kung maganda ang iyong sulat, malinis ang iyong papel at pinuno mo ng "back-to-back" ang iyong test paper na "single spaced" pa at naka-font 8, siguradong may grado na 'yun dahil sa effort kahit na walang point. Lalo na kung binudnuran mo pa ito ng mga napakaraming “flowering words” at tsaka ng mga examples na walang katuturan na sadyang pambahaba lang. 

Ganun lang talaga ang technique ‘nun. Hindi na kailangan magbabad sa pagreview, hindi na kailangan pang mangopya kung essay lang. Kailangan lang ang talino at diskarte sa paghokus-pokus ng mga salita. Diba ang easy? Nakakasawa kung minsan pero sayang naman ang grasya para makahabol at makapasa.

Ngunit… Hep! Hep! Hep! bago ka magHurray estudyanteng matinik.Tiyakin mo munang  si Sir at Ma’am ay matamad magbasa dahil kung hindi ay lagot kang bata ka…